Article Inside Page
Showbiz News
Abangan kung paano magiging savior ni Angel (Caprice Cayetano) ang kaniyang bully na si Calix (Clifford) sa You're My Favorite Song!Hindi pa rin mawala ang galit ni Calix kay Angel dahil sa kumalat na fake video kung saan tila inamin niya ang nararamdaman para sa dalaga.
Nag-ugat ito matapos silang maglaro ng lie detector gadget kasama ang kaniyang mga kaibigan. Dahil sa matinding pagkapahiya, napagbintangan ni Calix si Angel na siyang may pakana ng lahat.
Ilang beses nang kinompronta ni Calix si Angel, kasama ang kaibigan nitong si Zion (Marco Masa), upang panagutin ito.






