Article Inside Page

Showbiz News

Hindi maitago ng netizens ang kilig sa unexpected na mga pangyayari nina Angel (Caprice Cayetano) at Calix (Clifford) sa You're My Favorite Song!Muling pinag-usapan sa social media ang hit romance-drama series na You're My Favorite Song matapos ang sunod-sunod na rebelasyon at mga plot twist, lalo na ang hindi inaasahang pagbabago sa karakter ni Calix (Clifford).

Sa episode noong Martes, July 14, habang nagbabalak na naman ng masama sina Calix at ang kaniyang mga kaibigan laban kay Angel, narinig sila ni Adie (Princess Aliyah). Pinigilan niya ang grupo at inamin ang katotohanang hindi si Angel ang nagpakalat ng fake video ni Calix, kundi siya mismo at ang kaibigang si Charm (Waynona Collings).

Tila nabaligtad ang mundo ni Calix matapos malaman ang totoo. Napagtanto niyang mali ang lahat ng kaniyang pambu-bully kay Angel, na nag-ugat lamang sa galit matapos siyang mapahiya sa buong paaralan dahil sa nasabing video.