Article Inside Page

Showbiz News

Abangan kung ano nga kaya ang magiging sagot ni Calix (Clifford) sa tanong kung siya ba ay may pagtingin kay Angel (Caprice Cayetano)!Dahil sa kanilang pagkatalo sa Regional QuizCon, hindi pa rin maalis kay Calix ang mainis at magalit kay Angel dahil sa nangyari.

Halos isisi niya sa dalaga ang nangyari, ngunit tila lumambot naman agad ang puso nito nang marinig na pagsali ni Angel sa competition ay upang maipagamot at mailabas si Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) sa ospital.

Sa kabilang banda, tinulungan naman ni Zion (Marco Masa) si Angel na makalikom ng pera sa pamamagitan ng pagbigay nito ng pinag-ipunang tickets ng concert ng grupong Siklab kay Angel. Ibinenta nila ito gamit ang livestream kung saan agad itong binili ng mysterious viewer and buyer na nagtatago sa pangalang “Mr. Moon.”