Article Inside Page
Showbiz News
Muli na namang nagwagi sa puso ng viewers ang tambalang 'AnGuel' sa ikalawang linggo ng kilig meter poll ng You're My Favorite Song!Ang mga karakter nina Caprice Cayetano at Heath Jornales na sina Angel at Miguel, o mas kilala bilang ang tambalan na 'AnGuel', sa hit romance-drama series sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song ang muling pinusuan ng viewers sa naganap na ikalawang linggo ng kilig meter poll noong Huwebes, July 2.
Inilabas ng GMA Public Affairs at GMANetwork social media pages ang ikalawang wave ng kanilang poll upang muling makuha ang pulso ng mga tagasubaybay ng kanilang serye sa Afternoon Prime.
Layunin nitong tukuyin kung aling tambalan ang naghatid ng “next-gen kilig” sa ikalawang linggo ng pag-ere nito. Nanatili sa pagpipilian ng mga masugid na manonood ang tatlong pangunahing love ships ng serye: ang tambalan nina Angel at Miguel o ang 'AnGuel,' Angel at Calix naman na mas kilala bilang 'GeLix,' at Zion at Angel o ang 'ZiGel.'






