Article Inside Page
Showbiz News
Si Miguel (Heath Jornales) ang napili ng loyal fans at viewers na pumasok sa “bucket list ng puso” ni Angel matapos siyang manguna sa Finale Week Kilig Meter Poll ng 'You're My Favorite Song!'Abot hanggang sa huling linggo ng serye na You're My Favorite Song ang umaapaw na kilig sa puso ng mga manonood at netizens matapos muling manguna si Miguel (Heath Jornales) sa naganap na finale week kilig meter poll.
Muling naglunsad ang GMA Public Affairs at GMA Network ng huling poll sa kanilang opisyal na social media pages upang tanungin ang mga loyal viewers ng serye sa Afternoon Prime ngayong pagtatapos nito: Sino nga ba sa tatlong lalaki sa buhay ni Angel (Caprice Cayetano) ang papasok sa bucket list ng puso niya?
Sa huling pagtatapat na ito, muling tinimbang ng mga tagasubaybay ang mga karakter nina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa), upang tukuyin kung sino nga ba sa kanila ang nagpamalas ng pinakatumatak at nagbigay ng kilig sa mga hindi malilimutang eksena kasama si Angel sa simula ng serye hanggang sa finale week nito.






