Article Inside Page

Showbiz News

Panalo sa puso ng netizens ang 'AnGuel' matapos manguna sa kilig meter poll ng 'You're My Favorite Song' pilot week!Pinusuan ng netizens ang tambalan ng karakter ng You're My Favorite Song lead stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales na sina Angel at Miguel, o mas kilala bilang ang tambalang AnGuel sa inilunsad na weekly kilig meter poll noong Huwebes, June 25.

Sa naturang poll na inilunsad ng GMA Public Affairs at GMA Network social media pages, maging sa GMANetwork.com, tinanong ang mga masugid na manonood ng GMA Afternoon Prime series kung sino nga ba sa tatlong ships nito ang kinakiligan at ang kuwentong kanilang sinubaybayan sa unang linggo nito sa telebisyon.

Pinagpilian ng viewers kung sino nga ba sa 'AnGuel,' tambalan nina Angel at Miguel; 'GeLix,' ang tambalan naman nina Angel at Calix; o ang 'ZiGel,' tambalan naman nina Zion at Angel, ang tunay na nagpangiti at nagparamdam sa kanila ng next-gen kilig sa pilot week ng serye.