Article Inside Page

Showbiz News

Narito ang mga aabangan sa tapatan ng Team Celebri-Peeps at Team Tambay sa 'Family Feud' ngayong August 14.Battle of wits and personalities ng dalawang star-studded teams ang mapapanood sa Friday fresh episode ng Family Feud.

Ngayong August 14, maglalaro sa Team Celebri-Peeps ang mga tinututukang personalities mula sa bagong original game show ng GMA na The People Have Spoken.

Tampok sa kanilang team ang stand-up comedian and content creator na si Baus Rufo, beauty queen-turned-host na si Joy Barcoma, ang host na si Janeena Chan, at ang resident eventologist na si Tim Yap.