Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang tapatan ng Team Balisong at Team Leaf Art ngayong June 17 sa 'Family Feud!'Ipakikita sa Family Feud ang kahanga-hangang talento ng mga Pinoy ngayong Miyerkules.

Bago pa man magsimula ang kanilang Family Feud showdown, ipapakita muna sa mga manonood ang isang nakakabilib na balisong exhibition mula sa Team Balisong.

Maglalaro sa Team Balisong ang Laraw Kali Pamuok (LKP), isang Filipino Martial Arts system na itinatag ni Lakan Ronnie Royce Base. Kasama niya sa laban sina Ka Ji Delos Santos, Ron “Zy” Laureta, at Lakambini Luz Laureta. Sama-sama nilang ipinapakita ang pag-preserba ng Filipino warrior culture.