Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang Unli-happy Team at Team Tiktoholic ngayong June 22 sa 'Family Feud!'Ngayong Lunes, ipapakita sa Family Feud ang inclusivity at representation.

Maghaharap ngayong June 22 ang dalawang grupo ng content creators na nagmula pa sa iba't ibang probinsya at lungsod sa Pilipinas.

Pangungunahan ng TikTok sensation na si Diego Garcia ang Unli-Happy Team. Tubong Nabunturan, Davao de Oro, si Diego ay isa nang inspirasyon sa milyon-milyong Pilipino dahil sa kanyang determinasyon, positibong pananaw sa buhay, at talento. Sa kabila ng kanyang kondisyon bilang isang legless content creator, nakabuo siya ng mahigit 4.7 million followers sa TikTok.