Article Inside Page

Showbiz News

Narito ang mga aabangan sa fresh episode ng 'Family Feud' ngayong August 13.Maghaharap ang isang balik-showbiz na singing star at isang record-breaking Pinoy artist ngayong Huwebes sa Family Feud.

Ngayong August 13, pangungunahan ni Golden Cañedo, ang kauna-unahang champion ng GMA's The Clash, ang Team Golden. Matapos ang limang taong pahinga niya sa showbiz para tapusin ang Nursing degree sa Cebu, balik-spotlight ngayon si Golden sa pamamagitan ng GMA afternoon hit series na Born to Shine.

Kasama niya sa Family Feud stage ang kanyang pamilya at mga kaibigan, kabilang na ang president ng Golden Butterflies fan club na si Tita Edz Calimpusan, ang resto-bar owner at proud furmom ng 13 furbabies na si Tita JM Mendoza, at ang bank employee at longtime family friend na si Tito Bien Nable.