Article Inside Page
Showbiz News
Kitang-kita na nagiging komportable na ulit si Golden Cañedo sa harap ng kamera.Matapos ang mahigit anim na taon, unti-unti nang bumabalik ang confidence ni The Clash season 1 grand champion Golden Cañedo sa pagpe-perform, lalo na ngayon na parte na siya ng hit GMA Afternoon Prime musical-drama series na Born to Shine.
"Six years po ako talagang nawala, and then nung first na pagpunta ko dito, sobrang kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang mangyayari," sabi ni Golden sa panayam sa kaniya ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend.
Pag-amin ni Golden, na-starstruck siya sa OPM singer na si Roselle Nava pagtapak niya sa Born to Shine. Ginagampanan ng OPM Hit Maker ang role ni Monica Pascual, ang may-ari ng music management company na Astra M na nagsimula ng P-Pop girl group na YUMI.









