Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang Team Pinoy Trickers at Muay Thai Masters ngayong July 15 sa 'Family Feud.Action-packed ang Wednesday episode ng Family Feud dahil maghaharap ang dalawang grupo ng Filipino martial artists, stunt directors, performers, and coaches.
Ngayong July 15, maglalaro ang Team Pinoy Trickers na binubuo ng mga atleta at performers na eksperto sa tricking. Ang tricking ay isang sport na pinagsasama ang martial arts, gymnastics, at dance para makagawa ng mga nakakabilib na aerial moves at acrobatic routines.
Maglalaro sa grupo si Jori Villaraza, tricking practitioner of 15 years, coach, stunt director and coordinator na naging bahagi ng mga proyektong Black Rider, Lolong, at Voltes V: Legacy The Cinematic Experience. Isa rin siyang medalist sa jiu-jitsu sa 2023 Southeast Asian Games.






