Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang kiddie contestants na maghaharap sa 'Family Feud' ngayong June 9!Talented and energetic kids ang aabangan sa exciting na Tuesday episode ng Family Feud!
Ngayong June 9, mapapanood ang tapatan ng Little Scene-Stealers at Future Pop Idols sa kiddie edition ng Family Feud. Ang Family Feud Philippines sa GMA ay ang kauna-unahang gumawa ng kiddie edition sa history ng Family Feud franchise sa buong mundo.
Maglalaro sa Little Scene-Stealers ang mga young actors and performers na nagpapakita ng husay sa showbiz at iba't ibang larangan. Pinangungunahan sila ni Sameer Apruebo Zayed na napanood sa hit movie na Rewind.






