Article Inside Page

Showbiz News

Kilalanin ang cute contestants sa kiddie edition ng 'Family Feud' ngayong Lunes.Matinding saya at talento ang hatid ng Family Feud ngayong Lunes, July 13, dahil maghaharap ang dalawang grupo ng batang performers na siguradong magpapabilib sa viewers.

Unang sasabak ang Team Extreme Kids na binubuo ng mga batang kilala sa kanilang nakakabilib na acrobatic, contortion, at unicycle performances.

Mapapanood sa kanilang grupo si Than-Than Aganan, 12, isang acrobat at unicyclist na mahilig ding maglaro ng basketball. Makakasama niya sina Aljelyn Reyes, 9, isang mahusay na contortionist; Felix Gabanan, 9, isang acrobat at contortionist na hilig din ang basketball at pagkanta; at Menggay Aganan, 10, isa ring talented na acrobat at contortionist.