Article Inside Page

Showbiz News

Kilalanin ang mga social media personalities na mapapanood ngayong August 6 sa 'Family Feud.'Social media personalities na may pinagsamang milyun-milyong followers at nakilala sa viral songs at viral food content ang magsasagupa sa Thursday episode ng Family Feud!

Sa panig ng Calucin Family, mangunguna ang singer at content creator na si Justine Calucin na halos 10 million na ang followers dahil sa kanyang music covers at original songs.

Kasama niya ang kapatid na si Monica Bianca Calucin, isang graduating dentistry student at singer-content creator na may mahigit 18 million combined followers. Kilala siya sa kanyang vocal covers, vlogs, at siyempre sa viral na "Calucin Siblings" videos.