Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang tapatan ng dalawang viral content creators sa 'Family Feud' ngayong June 4, 5:35 p.m.Viral content creators mula sa Visayas at Mindanao ang magpapagalingan sa Family Feud ngayong June 4!
Pinangungunahan ng social media sensation na si Ian Mark Kamangkang ng South Cotabato ang Team Pitik. Bilang isang proud na miyembro ng T'boli ethnic group mula sa Lake Sebu, minahal siya ng netizens dahil sa kanyang nakakaaliw na personalidad at kakaibang dance moves. Ang nakilalang “Pitik Queen” ay binansagan pa ng netizens na “Secretary of the DPWH o Department of Public Works and High-waist” dahil sa kanyang iconic na tucked-in look. Tuluyang nag-viral si Ian Mark sa kanyang pagsayaw sa trending na “Hawak mo ang beat.”
Sa Family Feud stage, ipakikita niya ang “pitik with soft moves” kasama ang mga kaibigang sina Gav Fayao, Diniel Untang, at Yong Recto.






