Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang exciting tapatan ng mga content creator sa 'Family Feud' ngayong July 2.Mga viral na content creator ang magpapasiklab sa Family Feud ngayong Huwebes.

Ngayong July 2, maghaharap ang Team Add to Kurt at Team Access Gorgeous na binubuo ng dalawang grupong may milyon-milyon na followers sa social media.

Pangungunahan ng American content creator na si Kurt Harris, o Tagalog Kurt, ang Team Add to Kurt. Dating U.S. Marine at missionary si Kurt na minahal ng mga Pinoy dahil sa kainyang pagmamahal sa kulturang Pilipino. Bukod sa pag-iikot sa iba't ibang panig ng bansa, nakabisita na rin siya sa mahigit 600 karinderya sa Pilipinas. Bahagi rin siya ng cast ng GMA primetime series na The Master Cutter na pinangungunahan ng Family Feud host na si Dingdong Dantes.