Article Inside Page
Showbiz News
Panoorin ang tapatan ng team nina Sean Lucas at Kobie Brown mamayang 5:35 p.m. sa 'Family Feud!'Apat na tulog na lang, mapapanood na ang pinakabagong original game show ng GMA, ang The People Have Spoken. Pero bago sumabak sa una niyang game show hosting stint ang co-host ng The People Have Spoken na si Sean Lucas, sasabak muna siya sa masayang game sa Family Feud bilang contestant.
Ang rising stars ng Sparkle na sina Sean Lucas at Kobie Brown ay mapapanood ngayong Martes sa Family Feud!
Si Sean ay ang co-host ng bagong GMA game show na The People Have Spoken at mangunguna sa Team BiScia. Makakatapat niya si Kobie Brown, isa sa mga pinakabagong artist ng Sparkle, na siyang mangunguna naman sa Team Brown.






