Article Inside Page

Showbiz News

Humanga si Sean Lucas sa sagot ng isa sa studio audience! Alamin ang buong kuwento dito.Solid talaga ang kuwentuhan at papremyo sa newest original game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.

Nitong Sabado (July 4), sinagot ng People at ng celebrity pairs ang tanong na: "Mahal ang birthday gift sa 'yo ng friend mo pero 'di mo ito gusto. Ano ang gagawin mo?"

Sa mga pagpipilian, parehong pinili ng Team AshRox (Ashley Ortega at Roxie Smith) at Team ZephChael (Zephanie at Michael Sager) na itago na lamang ang regalo.