Article Inside Page
Showbiz News
Samahan ang ating newest Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas sa 'The People Have Spoken' tuwing Sabado, simula June 6!Handa na ang ating newest Kapuso tandem na pakinggan ang boses ng publiko sa pinakamalaki at pinakabagong game show ng GMA, ang The People Have Spoken!
Nitong Lunes (May 25), masayang ipinakilala ni Boy Abunda ang bagong hosts na magpapasaya sa atin tuwing Saturday night!
"I'm very excited to officially announce na si Heart Evangelista ang host ng newest original Pinoy game show na The People Have Spoken," ani Tito Boy. "First time mag-host ni Heart ng game show. Ayon sa kanya, handa na siyang makipaglaro, makipagkulitan, at ibahagi ang sariling views sa mga tanong."















