Article Inside Page
Showbiz News
Masayang makasama ni Heart Evangelista si Sean Lucas sa pinakabagong game show na 'The People Have Spoken.'Handa na ang bagong Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas na mamigay ng saya at papremyo sa pinakabagong game show ng GMA na The People Have Spoken.
Sa ginanap na media conference ng programa noong Huwebes, May 28, kitang-kita ang kakaibang kulitan at good vibes na dala nina Heart at Sean sa audience.
Para kay Heart, nakatulong umano ang kanyang bubbly at machikang personality sa pagho-host ng programa.







