Article Inside Page

Showbiz News

Safe ang ilang pets sa pet evacuation ng Quezon City sa kabila ng bagyo.Ngayon na masama ang panahon at maraming lugar ang binabaha, maraming mamamayan ang kailangan lumikas mula sa kani-kanilang mga bahay. Ngunit sa paglikas na ito, may mga pagkakataon na hindi sinasadyang naiiwan ang pets o alagang hayop.

Buti na lang ay may mga magagandang loob na sumasagip sa kanila. Ngunit ang problemang kinakaharap ng mga rescuer ay kung saan nila dadalhin ang mga nasagip na pets.

Sa Quezon City ay nag-set-up ng pet evacuation center ang Veterinary Department ng siyudad para sa mga nasagip na alagang hayop. Sa report ng “Unang Balita” para sa Unang Hirit, layon nito magbigay ng pansamantalang matutuluyan ang mga na-rescue na pets.