Photo Inside Page
Photos
Puno ng saya at kilig ang fans at supporters ng hit afternoon series na You're My Favorite Song matapos ang naganap na highly-anticipated Brighton Bay Ball!
Muling pinatunayan ng 'CapEath' na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales ang kanilang matinding chemistry nang hirangin ang kani-kanilang mga karakter na sina Angel at Miguel, na mas kilala ng fans bilang 'AnGuel,' bilang Brighton Bay Ball's King and Queen!
At para lalong iparamdam ang “next-gen kilig” sa kanilang tagasuporta, nagbahagi ang Kapuso young heartthrob at lead actor ng serye na si Heath Jornales ng kaniyang exclusive na pasilip sa ilang mga larawan kasama ang young Kapuso actress na si Caprice Cayetano sa kanyang Facebook account.






