Photo Inside Page
Photos
Muling nag-trending at naghatid ng 'next-gen kilig' online ang Kapuso teen romance-drama series na You're My Favorite Song!
Naging usap-usapan sa social media nitong Huwebes, July 9, ang pinakabagong episode ng GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song dahil sa todo-suporta ng fans at viewers sa pinakahihintay na pagpasok ng karakter ni Heath Jornales na si Miguel sa prestihiyosong Brighton Bay Academy.
Dahil sa umaapaw na suporta ng mga manonood, agad na pumasok sa trending topics ang serye, kaya naman hindi napigilan ng Kapuso young actor na magpaabot ng kaniyang pasasalamat sa kanilang masugid na fans at supporters.






