Article Inside Page
Showbiz News
Ramdam ni Heath Jornales ang pagka-miss sa face-to-face classes dahil sa pagbabalik ng character niya sa school sa 'You're My Favorite Song'!Nag-e-enjoy at tila nakakadama raw ng nostalgia ang lead actor ng You're My Favorite Song na si Heath Jornales sa mga eksena sa serye kamakailan. Bumalik kasi ang kaniyang karakter na si Miguel sa pag-aaral sa Brighton Bay Academy.
Nagdesisyon si Miguel na bumalik sa pag-aaral dahil kailangan niyang sumailalim sa anim na buwang hiatus sa pagkanta at pag-perform sa bandang Siklab. Ito ay base sa payo ng doktor matapos makitaan ng lesions ang kaniyang vocal chords.
Pumasok siya sa Brighton Bay Academy, ang paaralang pinapasukan ng lead character na si Angel, na ginagampanan ng Kapuso young actress na si Caprice Cayetano; at ng bully na si Calix, na ginagampanan naman ni Clifford.






