Article Inside Page

Showbiz News

Bibigyang-buhay nina Kiray Celis at Jerald Napoles ang kuwento ng dalawang poser sa 'Magpakailanman.'Ang mga komedyanteng sina Kiray Celis at Jerald Napoles ang bibida sa real-life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "From Poser To Forever," gaganap sila bilang dalawang taong itatago ang tunay nilang mga itsura.

Si Kiray ay si Jane habang si Jerald ay si Marvin. Magkakakilala sila online gamit ang pictures ng ibang mga tao.