Article Inside Page
Showbiz News
Isa ka rin ba sa naiiyak at kinikilig sa 'Born To Shine'?Mainit na suporta mula sa netizens ang natanggap ng bagong tinututukang palabas tuwing tanghali na Born To Shine!
Hindi maiwasan ng ilang manonood na maiyak at maantig ang puso sa pagpupursigi ni Jeni (Zephanie) na maging isang sikat na singer sa kabila ng hirap ng buhay.
“This is a nice drama, kasi 'yung bida dito na si Jeni ay very optimistic/ positive. Hindi nawawalan ng pag-asa sa anumang pagsubok,” komento ng isang Kapuso Stream viewer.






