Article Inside Page

Showbiz News

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni 'The Master Cutter' star Dingdong Dantes kung bakit espesyal na makatrabaho si Jo Berry.Isa sa mga showbiz personalities na matagal nang gustong makatrabaho ni Dingdong Dantes ang versatile TV actress na si Jo Berry.

At finally, natupad na ito dahil kasama ni Dingdong si Jo sa GMA Prime series na The Master Cutter, kung saan ginagampanan nito ang karakter ni Ame, ang guardian ng character ni Ibyan na ginagampanan ni Sienna Stevens.

Napanood na ng viewers ngayong linggo si Jo Berry sa The Master Cutter at sa Instagram post ni Dong, ibinahagi niya kung gaano siya kasaya na makita ng lahat ang husay ng kaniyang co-star sa serye.