Article Inside Page

Showbiz News

Jo Berry, sa pagpapalabas ng 'The Master Cutter' abroad: “Ginagamit namin 'yung pressure na 'yun para mas galingan pa.”Inilarawan ni Jo Berry na good pressure na mapasama sa primetime series na The Master Cutter, na pinagbibidahan ng multi-awarded actor-host na si Dingdong Dantes.

Bukod sa gabi-gabing napapanood saGMA Prime ipinalalabas din ang The Master Cutter sa Netflix.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jo Berry, na gumaganap bilang Ame, nakaka-motivate raw sa buong team na lalong ipamalas ang galing ng mga Pilipino dahil napapanood din abroad ang kanilang serye.