Article Inside Page
Showbiz News
Lubos na nagpapasalamat ang award-winning actor na si Dingdong Dantes dahil ramdam niya ang pagmamahal ng mga manonood sa pinagbibidahang serye niyang 'The Master Cutter.'Patindi nang patindi ang mga tagpo sa GMA Prime series na The Master Cutter na pinagbibidahan ng multi-awarded actor na si Dingdong Dantes.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, labis ang pasasalamat ni Dingdong, na bumibida bilang Atoy, dahil ramdam niya ang pagmamahal ng mga manonood sa serye.
“Every day kaming magpapasalamat sa lahat talaga ng tumatangkilik. Kagaya ng promise namin, magmula umpisa ay patindi nang patindi 'yung mga revelation. Kaya mas nagiging exciting talaga 'yung kwento,” pagbabahagi niya.






