Article Inside Page

Showbiz News

Balik-telebisyon ang nag-iisang Primetime King Dingdong Dantes!Inulan ng papuri ang pinakabagong action series ng GMA Prime na The Master Cutter sa unang dalawang linggo nito.

Matapos ang tatlong taong pamamahinga sa primetime, talagang kapanapanabik at tinutukan ng netizens ang maangas na pagbabalik ni Dingdong Dantes sa TV bilang si Atoy, isang scout ranger noon na ngayon ay mananabas sa Baclaran.

“Ang ganda ng world premiere! Wala talagang kupas ang Primetime King na si Dingdong Dantes!” ani ng isang Kapuso Stream viewer.