Article Inside Page

Showbiz News

Para kay Dingdong Dantes, isang pribilehiyo ang masaksihan ang paglaki ni Sienna Stevens bilang bata at bilang artista.Mula sa unang proyekto nina Mr. Dindong Dantes at Sienna Stevens na Royal Blood hanggang sa pinakabago nilang pagtatambal sa The Master Cutter, masaya ang Kapuso actor na kasama siya sa pag-usbong ng karera ng child star.

Sa Instagram, nag-post si Dingdong ng ilang litrato nila ni Sienna, kalakip ang mensahe kung gaano kabilis ang paglipas ng panahon.

“Parang kailan lang, three years ago, I was working with Sienna Stevens in Royal Blood. Even back then, it was already clear to me that she had the potential to become a truly great actress,” sulat ni Dingdong sa kaniyang post.