Article Inside Page

Showbiz News

Nakatanggap si Dingdong Dantes ng birthday messages mula sa 'The Master Cutter' co-stars niyang sina Rio Locsin at Jo Berry.Bumuhos ang pagmamahal para sa multi-awarded actor-host na si Dingdong Dantes sa pagdiriwang niya ng kanyang 46th birthday nitong Linggo, August 2.

Sa special report ng 24 Oras, ipinasilip ang ilan sa sweet messages ng co-stars niya sa The Master Cutter.

Ayon sa seasoned actress na si Rio Locsin na gumaganap na Manang Cita sa serye, manghang-mangha siya sa dami ng roles na ginagampanan ni Dingdong.