Article Inside Page
Showbiz News
Si Master Sungit (Dingdong Dantes), kinilig sa bisita!Bumisita ang nag-iisang reyna sa buhay ng multi-awarded actor na si Dingdong Dantes na si Marian Rivera habang nasa taping ng hit GMA Prime series na The Master Cutter.
Sa isang web exclusive feature na in-upload sa GMA Drama, makikita na nakikipagkuwentuhan si Dingdong sa co-star niyang si Rio Locsin nang biglang sumulpot si Marian.
Kitang-kita ang tuwa sa Kapuso actor na nakabisita ang misis niya sa set.












