Article Inside Page
Showbiz News
Special guest si Jennylyn Mercado sa 'The Master Cutter.' Ano kaya ang kanyang magiging role? Alamin dito.May paparating na bagong karakter sa nangungunang primetime series na The Master Cutter, at ito ay walang iba kundi ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang magiging role niya sa serye.
"Isa siyang bungangerang babae," natatawang sabi ni Jennylyn. "Ano siya nag-struggle sa buhay pero may malaking puso. May mga ilan-ilang action scenes pero medyo nakakatawa."









