Makaka-relate ang mga lumaki sa dysfunctional family sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Mana sa Ina," tungkol ito sa isang babaeng matutulad ang kapalaran sa kanyang nanay.

Habang lumalaki si Leslie, nasasaksihan niya ang pang-aabuso ng tatay niyang si Manding sa nanay niyang si Delia.

Tinitiis ni Delia ang lahat, pati na ang pagpapatira ni Manding ng kabit nitong si Tessie sa kanilang bahay.

Nangako si Leslie na hindi siya magiging martir tulad ng kanyang nanay. Pero nang magkaroon ng sariling pamilya, tila ganito rin ang naging kapalaran niya.