Isang kumplikadong kuwento ng pamilya ang hatid ng bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "Ang Katatagan ng Isang Ina," tungkol ito sa isang nanay na ipaglalaban ang karapatan ng anak na special child.
Nasa autism spectrum ang anak ni Salome na si JR. Sa hindi inaasahang pagkakataon, magbubunga ang pagmamahalan ni JR at ng girlfriend nitong si Judith.
Matagal nang tutol sa relasyon ng dalawa ang nanay ni Judith na si Joan. Kaya nang malaman niyang buntis ang anak, ilalayo niya si Judith at ang sanggol.
Paano ipaglalaban ni Salome ang karapatan ni JR?






