Bibida si Arra San Agustin brand new episode at pangatlong Mother's Month special ng 'Magpakailanman.'
Gaganap siya rito bilang Leslie na bahagi ng isang dysfunctional family.
Tila martir ang nanay ni Leslie na tinatanggap at tinitiis na lang ang pananakit at panloloko ng asawa.
Dahil dito, ipapangako ni Leslie na hindi siya tutulad sa kanyang ina.
Pero nang nagkaroon na ng sariling pamilya, ganito rin ang naging kapalaran ni Leslie.






