Bibida si Janice de Belen sa bagong episode at huling Mother's Month special ng 'Magpakailanman.'Gaganap si Janice bilang Myrna, nanay na malalayo sa kanyang mga anak dahil nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW).
Isang matinding dagok para kay Myrna nang magkaroon ng hindi maipaliwanag na pagbabago sa ugali ng kanyang bunsong anak.
Malaman niyang nasapian pala ito ng itim na duwende!
Paano kaya maililigtas ni Myrna ang kanyang anak?
Abangan ang brand-new episode at huling Mother's Month special na "Itim na Duwende," May 30, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.






