Para sa mga malayo sa pamilya ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Itim na Duwende," kuwento ito ng isang overseas Filipino worker (OFW) at ng bunsong anak niyang lalapitan ng masamang elemento.

Lalaki si Rex na malayo sa nanay niyang si Myrna dahil nagtatrabaho ito sa ibang bansa.

Mapapansin ni Myrna ang biglang pagbabago ng ugali ni Rex.

Matapos kumunsulta sa mga albolaryo, malalaman niyang sinapian pala ng itim na duwende ang anak.