Masusubukan ang tatag ng isang babae sa bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "Battered Wife for Hire," kuwento ito ni Mari Cris na nangangarap magkaroon ng sarili niyang pamilya.
Akala niya ay magandang buhay na ang naghihintay matapos nilang ikasal ni Tonyo.
Imbis kasi na matupad ang pinapangarap na pamilyang puno ng pagmamahal, magiging bangungot ang buhay ni Mar Cris dahil emotionally at physically abusive si Tonyo.
Makakaalis pa ba si Mari Cris sa ganitong buhay?






