Ipapamalas ni Kapuso actress Lianne Valentin ang husay niya sa drama sa brand-new episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Gaganap siya bilang battered wife na si Mari Cris sa episode na pinamagatang "Battered Wife for Hire."
Pangarap ni Mari Cris na magkaroon ng pamilyang buo at puno ng pagmamahal.
Kaya naman agad niyang tinanggap ang alok na kasal ni Tonyo, played by Juancho Trivino.
Pero malayo sa pinangarap na buhay ang makukuha niya dahil makakaranas si Mari Cris ng emotional at physical abuse kay Tonyo.






