Article Inside Page
Showbiz News
Sinagot ni Ivana Alawi ang pambabatikos na ibinabato sa kanya tungkol sa pamamahagi ng relief goods sa gitna ng baha.Sinagot ng content creator na si Ivana Alawi ang mga pambabatikos na natanggap niya online matapos mag-viral ang pamamahagi niya ng ayuda sa mga binaha.
Nag-comment kasi ang netizens na dapat sana sa mas ligtas na lugar namahagi si Ivana ng relief goods at kaunting halaga sa mga nasalanta imbes na sa kalagitnaan ng baha na abot hanggang binti.
Sa comments section, ipinaliwanag ni Ivana na nasiraan ang truck na gamit nila sa pamamahagi ng relief goods, “Sana alamin n'yo din kung bakit nandoon sa gitna ng baha ang truck natin, nasiraan ito at hindi na maka andar ng bandang hapon. Kaya habang sinusubukan naming ayusin para lumipat sa ibang area, may mga biglang pumila at nag stop din kung saan tumirik.”






