Article Inside Page

Showbiz News

Nakipag-collab si Ivana Alawi sa kina Viy Cortez at Cong TV sa isang vlog. Panoorin ang kanilang kulitan dito.Ang couple content creator na sina Cong TV at Viy Cortez ang pinakabagong mga naka-collab ni Ivana Alawi.

Sa latest vlog ni Ivana sa YouTube, ibinida niya ang kaniyang video na pinamagatang "Maid for a day with Viy and Cong."

Ibinahagi niya sa unang parte ng vlog na noong siya ay bata pa, pangarap niyang maging isang helper lalo na't naging malapit sa puso niya ang naging nanay-nanayan niya na kasambahay nila noon sa Bahrain.