Article Inside Page

Showbiz News

Kanino kina Ivana Alawi, Kira Balinger, at Bianca de Vera unang nagkagusto si Dustin Yu?Binigyang-linaw na ni Kapuso star Dustin Yu ang bali-balita noon na nagkagusto ang aktor sa social media personality na si Ivana Alawi at sa kapwa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate niya na si Kira Balinger. Kaya naman, marami ang nagtaka kung papaano napunta ang atensyon ng aktor ngayon kay Bianca de Vera.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 16, inamin ni Dustin na nagulat na lang siya sa mga balita paglabas niya ng Bahay ni Kuya.

Pagbabahagi ng aktor, “I'll be honest also na si Ivana kasi, naging happy crush ko way, way back pa. Parang siyempre lagi ko siyang nakikita sa social media, sobrang peak talaga e, na Ivana Alawi.”