Article Inside Page
Showbiz News
Muntik na raw mapahamak si Awra Briguela dahil sa pagpatol niya sa kanyang bashers.Naging laman muli ng balita ang actress-comedienne na si Awra Briguela matapos sagutin ang isang netizen na nag-comment sa isa sa mga videos niya. Ang inaakala niya kasing basher, isang genuine na alok ng tulong pala.
Matatandaan na nag-post si Awra ng vlog tungkol sa pagpunta niya sa Vietnam. Isa sa mga komento doon, inalok ang aktres na maging interpreter niya kapag muling bumisita sa bansa. Ngunit si Awra, hindi naging maganda ang sagot sa nag-comment.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 7, ipinaliwanag ni Awra na hindi niya inaasahan ang genuine na comment mula sa netizen matapos makatanggap ng pamba-bash sa parehong video kung saan nag-comment ang concerned netizen.













