Article Inside Page

Showbiz News

Paalala ni Joy Barcoma: "Kung ano'ng tinapon mong basura ngayon, 'yun ang babalik sa'yo."May panawagan si The People Have Spoken celebri-peep Joy Barcoma kaugnay sa kasalukuyang pagbaha sa Pilipinas.

Nitong Miyerkules (August 12), bumisita ang beauty queen-advocate sa clean-up drive sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.

Kasama si Baus Rufo para sa Unang Hirit, namahagi ng munting sorpresa ang duo sa mga tao habang ipinakita ang kasalukuyang lagay ng mga daan matapos ang pagbaha.