Article Inside Page

Showbiz News

Makikipagkulitan ngayong Sabado ang unfiltered podcaster at stand-up comedian na si Baus Rufo. Kasama rin ang funny beauty queen, host, at environmental advocate na si Joy Barcoma!May dagdag na saya at excitement sa pinakabagong original game show ng GMA na The People Have Spoken.

Kasama ang bagong Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas, makikisaya rin tuwing weekend ang ating tinatawag na celebri-peeps!

Sila ang mga opinionated guest celebrities na magbabahagi ng kanilang diverse, candid, at madalas nakakatawang opinyon kasama ang 100 studio audience members (The People) tungkol sa iba't ibang paksa at isyu.