Article Inside Page
Showbiz News
Hindi man binigyan ng pagkakataong mag-farewell walk bilang Miss Philippines Earth 2025, tagumpay naman si Joy Barcoma na rumampa sa Love Laban pride festival.Tagumpay si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma na maisagawa ang kaniyang farewell walk, hindi sa coronation night kung 'di sa naganap na Love L4ban festival nitong Sabado, June 27.
Sinorpresa ni Joy ang LGBTQIA+ community na dumalo sa naturang pride festival nang lumabas siya sa entablado, suot ang white gown at rainbow sash, at inikot ang stage bago siya sinalubong ng mga host na sina Kaladkaren, Justine Pena, at Migs Almendras.
“Hello, mga bakla! Hello po sa inyong lahat, happy Love L4ban 2026!” bati ni Joy sa mga dumalo.






