Article Inside Page
Showbiz News
Kara David: “Sana lang, 'pag nag-public service talaga tayo, it's really for the public, not for ourselves.”Nakakuha ang iWitness documentarist at journalist na si Kara David ng tatlong awards sa naganap kamakailan lang na FAMAS Broadcast Arts Awards. Kabilang sa mga awards na natanggap niya ay ang shared spot nila ng aktres na si Ivana Alawi para sa Best Host for Public Service.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Kara na nirerespeto niya ang iba't ibang platforms, kabilang na ang journalism at vlogging.
“Nirerespeto ko at natutuwa ako na maraming iba't ibang tao na gumagamit ng kapangyarihan ng storytelling para makatulong sa iba. So, I acknowledge na iba-iba tayo ng platform,” sabi ni Kara.






